Noong bata pa ako, hindi ko trip ang magbiyahe ng malayuan (ng hihigit sa kalahati o isang oras) at sumakay sa mga nakakahilong sasakyan kagaya ng bus at barko. Pinakaayaw ko talaga sa aircon bus. Hindi kasi kayang itolerate ng ilong at sikmura ko ang amoy sa aircon buses bukod sa pahinto-hinto ito ng andar, nakakatagtag talaga. Kahit kalahating oras pa lang akong nakaupo dun eh siguradong babaliktad na ang sikmura ko. Ganun din sa barko. Gegewang gewang din kasi minsan ang andar nito sa alon eh. Nakakahilo talaga. Minsan nga kahit jeep ang sakyan namin basta hihigit sa isang oras ang biyahe at kahit palipat-lipat/sakay-baba pa kami, pakiramdam ko para akong sumakay na rin ng mga rides sa Star City. Tama. Biyahilo talaga ang kalaban ko.

Naalala ko pa kapag nagbibiyahe kami at namamasyal ng medyo malayo layo, madalas akong pagalitan dahil lagi akong umuuwi ng marumi ang damit. Hindi dahil sa malikot ako at mahilig magsusuot sa kung saan-saan. Nadudumihan ang damit ko dahil sa…alam mo na. Haha! Biyahilo nga eh. Kaya naman minsan ayaw na nila ako isama o kaya naman, pag kailangan, lagi akong may baon na plastic bag. 

Pero habang lumalaki ako at nagsimula ng masanay sa biyahe ng jeep papuntang school at pauwi. Natutunan ko rin ang teknik para hindi ako agad mahilo kapag nagbibiyahe ng malalayo tulad ng mga probinsya…

  • Maglalagay si mama ng balat ng dalandan sa panyo o kaya ay Vicks vaporub, minsan pa nga eh White Flower at itatakip ko ‘yon sa ilong ko habang nasa biyahe. Yun dapat ang maamoy ko.
  • O kaya naman ay ngangata ng sangkaterbang minty candies like Mentos, Stork o kaya ay Snow Bear. Ayaw ko ng kending sobrang anghang pero pilit kong binababad sa bibig ko para lang hindi ako mahilo. Tumatawid din kasi papunta sa ilong ang lasa at amoy nito.
  • Umiinom ako ng Bonamine bago bumiyahe. Effective naman.. hehe!
  • Higit sa lahat, natutunan kong pansamantalang huminga sa bibig instead na sa ilong para lang wala akong maamoy na matatapang na scents na magti-trigger ng pagkahilo at pagbaliktad ng sikmura ko habang nasa biyahe. 

Hindi na ako masyadong mahiluhin sa biyahe ngayong malaki na ako. Meron lang mga ilang biyahe na hindi ko nakakayanan ang biyahilo. Kaya paminsan-minsan ay naiaapply ko pa rin yang mga teknik na yan pag bumibiyahe. Lalo na pag aircon bus, taxi at barko. Kailangan lang eh ordinary at hindi kulob ang sasakyan kapag bibiyahe ako nang malayuan. Kailangan open lang ito katulad ng jeep. Hehehe. At kailangan lang lagi akong malapit sa bintana at nakakalanghap ng hangin sa labas kahit medyo mausok. Pero generally ay kaya ko nang bumiyahe ng matagalan….

Advertisements